Halo halo yung nararamdaman ko ngaun tipong may ice cream on top pa. Dahil siguro sa panaginip ko tungkol sa kanila. Haaaaay. Bakit naman kasi sa dinami dami ng lalaki e sayo pa. Ikaw na ang hirap intindihin ng salita at gawa. Eto ata talaga gusto ko sa buhay yung may challenge lagi ayoko ng madali lang na mga bagay. O kita mo ngaun ako din naman yung nahihirapan at higit sa lahat naguguluhan. Ano ba talaga yung “special”? Abnormal? Haha. Oh diba labo. Pero sige dahil napapasaya mo ko araw araw kahit inaaway kita ng walang dahilan at iniintindi mo ang pagiging stubborn ko madalas at di ka nagsasawa sa lahat ng pangungulit ang pambubully ko sayo, I’ll stick with you until this one last. Hindi man natin alam kung anu ang meron bukas ang importante ay kung ano ang meron tayo ngaun at eto yung magulong mundo natin. Di ko man maintindihan ng mabuti ang tunay mong nararamdaman hahayaan ko na lang muna darating din tayo jan, tiwala lang. :)
E pag nauna pang mag assume nanay mp kesa sayo. Ang hirap lang kaya. Sabihin ko kaya yung totoo. Ma, ako lang my gusto siya wala wag umasa. Hahahaha. Nakakaloka lang talaga. Parang di ko na tuloy siya kayang harapin. Kakabahan na naman ako neto. Mahiyain ako di lang talaga halata pero oo mahiyain talaga. Ngingiti ngiti lang ako pero grabe gusto ko na lang matunaw sa kinatatayuan ko. What to do? what to do??
Sabi sa oras daw ng pangangailangan tawagin ang mga kaibigan. Teka mali ata yung number na nadial ko. :/
Di pa din ako makadecide kung pano gagawin ko sa sarili ko. Ilang buwan na lang board exam na. Mag rereview center ba ko o self review na lang??? I need decide, and make the right one. :/
Ang dami kong gustong itype kaso ndi ko maisip kung panu magsisimula. Ang labo ng takbo ng utak ko. Halo halo ung emosyon na nararamdaman ko. Ilang araw na lang matatapos na yung internship namin, makukuha na yung diploma, makakapagbakasyon na. Ndi ko inakala na ganito kabilid matatapos ang lahat, yung araw araw na kinasanayan mo na pumapasok ka ng maaga para sa duty ay mawawala na. Sabi nga ng iba makakabalik ka na daw sa maayos na oras ng pagtulog. Pero para sakin mamimiss ko yung ganito yung may ginagawa ka araw araw. Pero cguro pagdaan ng madaming araw masasanay na ko ulit ng walang ginagawa. Ay meron pa pala magrereview naman pala para sa board exam.
Ang pagtatapos ng internship ay hudyat ng tagumpay ngunit ndi payak dahil pagkatapos nito ay panibagong hirap para makamit ang aming minimithing lisensya. :)
4 years na ang nakalipas simula nung nag college ako. And yes, im a fresh graduate, BS Medical technology. Kaso wala pa oong diploma kasi di pa tapos ang internship. Pero matatapos na din to ;)
Apat na tao ano ang natutunan ko? Madami. Hematology, parasitology, microbiology, clinicak microscopy, clinacal chemistry, serology, histopathology, blood banking, histology at kung anu anu pang may logy. Logyc. Haha. Joke. :) pero higit sa lahat natutunan kong maging matatag, magpursigi, makisama sa madaming tao, maging magaling, gumawa ng matalinong desisyon.
Hindi kumpleto ang college kung di mo mararanasang bumagsak sa subject mo, makakuha ng mababang score sa quiz o exam, mapagalitan ng prof, ang hingalin sa pagtakbo para lang umabot sa klase at higit sa lahat ang magkulang ang baon mo.
| Me: | *kumakain ng mangga na bigay niya guy friend* |
| Mommy: | anung lasa ng mangga? |
| Me: | matamis naman po. |
| Mommy: | matamis ang pagmamahal niya sayo. |
| Me: | *insert smiling face* |
Nasasaktan na naman ako. Hindi ko nga alam kung bakit ako dapat masaktan e. Kasalanan ko naman diba? Bakit ko pa kai tinignan ung comments sa status mo? Sampal na naman sakin un. Tssss. Lagi na lang ba kong masasaktan ng dahil sayo. Ang sakit kasi e, ung tipong may something sa tiyan mo na gusto mong sumuka at umiyak ng sabay para mawala yung sakit na nararamdaman mo. Bakit lagi na lang ganito? Pinipilit ko ung sarili ko na maging ok, makisama sa ibang tao at kalimutan ka pero ndi effective ng pang matagalan. Lagi kang may counter attack sakin at ako yung mas nasasaktan, ako yung laging talo. Sana matutunan ko ng maging manhid pagdating sayo.
Yung awkward feeling pag nakikita ko siya, yung tipong ayaw kong magtama yung mga paningin namin na pakiramdam ko dapat ko siyang iwasan na di ko siya dapat kausapin. Yung kaba sa dibdib ko kakaiba pag nakikita ko siya di ko alam kung bakit, di naman ako ganito dati. Sobrang close kami before pero anyare?? Ewan ko din. Ako yata yung nawala tapos sumunod siya. Nagtry akong magreach out, nareach ko naman siya pero parang nawalan ako ng gana, nagsawa makipag-usap hanggang sa hinahayaan ko na lang na di kami nag uusap. Ilang months din ung pinalipas ko na ganun pero dumarating yung time na siya na ung nag rereach out pero parang wala lang sakin. Not until last monday yata na parang nag iba ang ihip ng hangin, parang bumalik kami sa dati na halos araw araw magkausap at alam ang ginagawa ng isat isa. Napaisip na naman tuloy ako. Ayoko ng maulit ung nangyari na nasaktan ako.
It has been a long time, yo!
I am lost. are we back on track?
your actions confused me.
Sabi nila dati pag masaya ka daw sa isang araw kinabukasan malulungkot ka naman. Hindi ako naniniwala dun. Isang kalokohan. Masaya ka araw araw di nga lang magkakatulad ng lebel ng kasiyahan. Pero maniwala ka man sa hindi araw araw kang masaya kahit na anung mangyari.
Etong week na to na siguro ang pinakamaganda sa buwan ng enero para sakin. Ngayong week na to ko naramdaman na talagang magtatapos na ko ng pag aaral, oo gradpic nga at isama mo na rin ang nakakaloka na creative at barkada pic namin. So perfect! (1-9-13)
ngayon ko lang din naramdaman na may nagandahan sa thesis namin. Manalo ka ba naman ng 1st place para sa best research ng 2013. Sino naman ang hindi matutuwa diba? Sa lahat ng pagod para sa thesis na yun. Worth it naman pala. (1-10-13)
Dinaig pa ng week na to ang pasko sa dami ng natanggap ko na regalo, more than one kaya madami. Haha. Ang sweet ng mga kaibiga ko e, gift giving. :”> (1-10-13)
Eto na din ung pinakamakulit na duty ko (24hour), yung tawa ka ng tawa dahil sa staff na seryoso daw siya pero sorry number 1 fan ako at sobrang benta niya sakin kahit facial expression niya lang at actions. Ang kulit! Haha. At isa pa ndi ako pagod sa duty namin na to. Ang saya diba. (1-13-13)
Dahik sobrang naging masaya ako ngaung week na to gusto ko may remembrance ako, kaya dito ko to ilalagay. :)
Naitanong ko sa sarili ko kung naiisip niya din kaya ako. Nalulungkot din kaya siya sa mga nangyayari. Wala kaya siyang balak na gumawa ng paraan para maayos pa ang lahat? O babalik pa kaya ang lahat sa dati. Siguro nga malabo nang mangyari ang lahat.
-anonymous
Ilang linggo ding naghintay para makita ang grades, para malaman kung maisusuot ko ba talaga next monday yung uniform na pinatahi ng nanay ko.
Pagdating ko kanina galing ng school para sa medical wala pang online grades so natulog muna ko hanggang sa magising ako sa isang text message, “may OL grades na.” hindi ko pinansin kasi alam ko na mabagal naman makakaconnect pero ang totoo kinakabahan ako. so mga 30 mins pa siguro bago ako bumangon at nag OL to check. so ayun as always mabagal talaga mag open ang site ng OL grades namin, ilang beses din na error, sumakit na nga ang tiyan ko sa kaba sa kakahintay sa grades. Tinawagan na din ako ni benna para magtanung tungkol sa grades ko kaso di ko pa nabuksan. so ayun hintay hintay pa para magopen. then dumating yung isang friend ko si Mark sabay sabi. “INTERN NA TAYO!”, sabi ko naman, “gaga! di ko pa nga nakikita grades ko oh, tgnan mo ang tagal”, sabi niya, “nakita ko na nga 2.25 ka sa hema, blah blah blah.” ayoko pa sanang maniwala sa kanya hanggat di ko nakikita, kasi di din kapanipaniwala yung grade ko. haha. Until nabuksan namin yun site and yes confirmed mageenroll ako bukas at mag-iINTERN na next monday (Oct. 29).
Hindi pa din ako makapaniwala pero oo eto na nakita ko na grades ko at talagang mag iintern na ko finally. bumaba ako para kumain, tinanong ako ni mami kung kamusta ang grades ko, nagthumbs up lang ako. tapos sabi niya, “halika nga dito, payakap nga, blah blah blah, pagbutihan mo ang pag aaral mo ha, madami ang natutuwa para sayo (habang tumutulo ang luha niya)” puro opo lang naisagot ko kasi umiiyak na din ako. eto yung feeling na alam ko na kahit gaano ang pagod sa amin ni mami at dadi napapasaya ko sila/namin sila sa pag aaral namin ng mabuti, napapawi nito yung pagod nila sa amin sa araw araw. nagulat ako na umiyak si mami, pakiramdam ko worthy lahat ng pagod ko para makatapos ako. at para sa kanila to.
Hindi man buo yung kasiyahan ko kasi alam ko na hindi kami buo na makakatapos pero alam ko may plano si God para saming lahat. Di man sila ngaun makakasabay sa amin, may next sem pa para sa kanila to improve and prove to everyone na kaya din nila. naniniwala ako sa inyo mga kaibigan kaya niyo yan. :)