Kahapon ng tanghali, biglaan nga ba ang lahat? o sadyang yun ang dapat mangyari. oras na nga ba talaga ni Lola ko? siguro nga tama na yung ilang taon na nahirapan siya sa sakit niya, ilang buwan na hindi na namin siya nakausap, ndi na nakasama sa mga lakad namin dahil nakahiga na lang siya mahina ang katawan. Noon ok ako na nagbabantay sa kanya, kaso kahapon parang ang hirap niyang bitawan, syempre ako yung tao na hindi agad umiiyak pag may namatay na kapamilya kasi hindi ako agad naniniwala sa mga nangyayari naniniwala kasi ako na baka may himala pa if ever. naiyak lang ako ng todo nung nakita ko na kukunin na siya ng mag seservice, ang hirap bitawan ng kamay niya pero kailangan e, yun ang dapat gawin kasi yun ang plano ni Lord para sa amin.
Nung unang may nawala, lolo ko, galing kami sa school pagdating ko nakita ko nagpupump pa yung heart niya kaso yun pala ventilator na lang yun, machine na lang yun at hindi na talaga si tatay yun. sobrang hirap na may mawawala lalo kung kasama mo sila sa paglaki mo, na nanjan sila pag pasko, bagong taon, fiesta at araw-araw. masakit sa loob ko yung mga nangyayari pero kailangang tanggapin kasi yun ang bigay ng tadhana.
After 5 or 6 years, gabi, hindi mo naman aasahan na magkakaroon ng emergency diba? tapos pagdating mo ng ospital hindi mo na aabutan yung tito mo na may buhay pa. hindi ko naman masasabi na super close ako sa tito ko na yun, pero siya na kasi yung tumayo na pangalawang tatay ko dahil nga wala naman lagi dito ang sarili kong ama dahil sa trabaho niya, siya ang taga attend sa graduation ko, at iba talaga yung respect ko sa knya. saludo ako sa kanya! kaya nung nawala siya ng biglaan ang dasal ko sana magkaroon ng himala, paulit ulit kong idinasal yun, kaso walang nangyari e. siguro yun ang plano para sa kanya kaso sobrang ikli naman ng naging buhay niya para maishare sa amin. :(
Ngaun naman si lola ko naman. sa kanya ok na din siguro to para matapos na yung paghihirap ng katawan niya, ang hirap din kasing makita na nagkakaganun siya lalo na at alam namin na malakas siya noon. masakit lang talaga na both parents ng dadi ko ay wala na. hay. sana na lang masaya si nanay kung nasaan siya at kasama na niya si tatay at dadi xander. :)